THE PARATHRILLA - Paramore’s 2nd Concert in the Philippines

Waaaa! Nasa pila pa lang kami hassle na. Sobra. Buti na lang medyo maaga kaming humanay. Gen ad lang kami kaya dapat unahan talaga. 2nd batch kaming napapasok. Naipuslit namin yung dala-dalang DSLR ng kaybigan ko. Buti na lang talaga! Takot na takot kami nun.

Bago pumasok, nag-CR at nagpicturan muna kami dun. Tapos gora na paakyat. Nauuna nga ako sa aming tatlo paglalakad kasi gusto ko talaga sa maganda kami mapapwesto. Okey naman yung napwestuhan namin. Site na site pa rin! Akala nga namin nung puchu-puchu ang gen ad, hindi naman pala! Kering-keri pa rin.

Ang tagal bago tumugtog yung mewithoutyou. Tapos ilang kanta din sila. Tapos commercial. Nagshe-shake na yung legs ko nun! Naeexcite na ko ng sobra!

Tapos biglang namatay yung ilaw! Sabay kanta ni Hayley! Hiyawan na! GRABE! Tapos lahat na ng tao nagtayuan na. As in lahat! Hindi ko na namalayan na sobrang dami ng nasa Arena. Sobra! Lahat sumasabay sa bawat kanta nila. 

Ang sarap sa feeling! Yung moment na sumasabay ka sa pagkanta nila pero hindi mo na marinig yung sarili mong boses kasi yung pagkanta ng crowd na lang ang naririnig mo. Ang sarap sa feeling. Pag sinabi ni hayley na itaas lahat ng kamay, taas lahat! Tapos may part dun na pinataas ni hayley yung mga lights namin. Wow talaga.

Halos lahat nasabayan ko. Siguro may 5 songs din yung hindi. Hindi ko kasi saulo ng buo. Pero yung mga pinaka-tinugtog talaga nila na hindi ko makakalimutan ay yung, NOW na intro nila Yung sumunod dun na THAT’S WHAT YOU GET. LOOKING UP, IGNORANCE, BORN FOR THIS, IN THE MORNING, MISERY BUSINESS at yung pinaka sa lahat THE ONLY EXCEPTION.

Yun yung bago nya kantahin sabi nya, “This is a song about love”. Tapos yun na. Ang sarap pakinggan nung boses nya. Ang ganda. Nung kinakanta nya yun, teary-eyed na ko. Parang gustong bumuhos ng luha ko kasi dream come true talaga. Sayang hindi nila kinanta yung My heart na favorite ko din dahil dun ko sila nakilala. Saka yung playing god at crushcrushcrush. Pero wapak pa din! Ang galing nila!

Before yung last two songs nila, niloko nila fans. Kunwari tapos na pero joke lang pala. May super lucky fan na kinuha sa audience. Na-hug nya si hayley, si taylor, si jeremy nagpicture sila, tinuloy nya yung kanta, ginawa nya pa yung laging steps ni hayley pag nakanta at nagwala pa stage. Ang swerte talaga!

Ayoko na ngang matapos yung gabing yun kasi sobrang saya ko. Sobra! Ang sarap sa pakiramdam. Yung puso ko, ang saya-saya din.

Lalo ko silang minahal. Lalo kong nagustuhan yung mga kanta nila. Sa mga message ni Hayley, ramdam ko yung pinagdaanan nila in the past two years, Nag-advice pa sya, Nagpasalamat samin na hindi nila mararating at hindi makakasurvive sa lahat kung wala ang fans at yung pagmamahal nila sa music. Huhuhuhu.

Dream come true. Siguro ito na yung pinakamagandang desisyon ko sa buhay, yung panoorin sila. Ang tindi ba? Ewan ko. Pero pag nakikinig ako ng songs nila, lahat ng bigat na nararamdaman ko nawawala. Mahal na mahal ko sila. At siguradong sa susunod na concert nila dito sa pilipinas, manonood pa rin ako. :’)